How to be an adviser for the first time

I got a job, yung totoong trabaho at hinde lang JO. Isa ito sa pinapangarap ng mga newly graduate, ang trabaho base sa tinapos nila. Anu nga ba ang feeling ng may trabaho?

Appointment and JO has a big difference sabi nga mas malaki ang sweldo mas marami ang trabaho. Kaya naman nawindang ako ng first day ko. Mag handa na daw kaming mga newly hired sa pasko at kami ang taya. Shocking right? But wait theres more. Six hours per day ang load ko at ako rin hahawak ng marching ba
nd. Yes marching band marcha dito marcha doon habang kumikending. Napuno agad utak ko. At na stress agad ako.

Since Mapeh hinahawakan kung subject iba-iba bawat linggo ang style na ginamit ko kasi makakalimutin na sila (student), topic last week tiyak bura na sa utak nila. Nakakaya kopa naman kahit wala na akong boses kasi may ilang mga section 60 students ang laman plus ang babantot at ang gugulo.

This is like a zoo.. God help me

Minsan na alala ko pumasok ako ng last subject na half nalang ang number student ang naroon nagsi uwi na raw. Sa layo ng classroom na pinanggalingan ko hindi ko na naabutan ang mga nagsi uwi. At habang nag didiscuss ako may gusto nang mag walis kasi daw malayo pa bahay nila at sila ang naka schedule mag linis kaya kaylangan bilisan nya.

Isa sa pinaka challenging na panahon ay nang magsimula ang practice ng banda. Nahahati ang oras ko. Nakakapagod at nakakapuyat, kahit na may partner akong teacher sa band.Hindi nga ko ganoon ka gamit sa panahon na iyon kasi nag aasist lang ako pero nang malapit na fiesta at kaylangan kaming sumayaw ng festival dance pagod ang lola mo. Talaga naman kung ang mga bata pasaway pati teacher pasaway din may late mag practice kasi nagpapabasa pa sya. Ewan ko nalang, hindi narin naman sila sumusunod kasi nga anu nga naamang say ng newly hired sa retiry diba?

Dumating ang December at nangyari nga kami ang taya ng Christmas Party. Nag ambag-ambag kami ng tig dadalawang libo. Ipinam bili ng pagkain pampataba. Ilang zumba session din iyon.Na cater naman ang pangangailangan ng humigit kumulang 50 katao hindi pa kasali ang mga non teaching. Thanks you sa pagkain. Another year pass another year comes.

Sumunod na taon adviser na ako pareho padin anim ang load ko at ako ang humawak ng marching band. Stressful nanaman. Medyo nagagawa ko pa naman ang trabaho ng isang teacher kahit madalas ako ang pinaka huling nagpapasa ng report malalaman ko nalang may nag mention na ng panagalan ko sa GC. May mga araw na hindi ako nag papasa ng lesson plan dahil sa dami rin ng ginagawa ng principal namin minsan kukunin ko na sa hapon ang lesson plan ko ay wala paring check mark. Kaya madalas gumagawa nalang ako ng lesson plan pero hindi ipinapasa saka ko nalang ipapapsa kapag ipinatawag na ako dahil ako nalang daw ang di nagpapasa.

Heto ang mas chalengging kapag nag papasa na ng grades for quarter. Bawat quarter my teacher na nagdedemand na dagdagan ang grades ng students nya kasi daw okay naman sa kanya. Dahil mabait ako dinadagdagan ko naman sino ba naman ako hindi naman ako taga roon. Pero ang masakit lang end of school year 29 ang bagsak sa advisory ko yung ibang section isa o kaya dalawa. Kinakampihan  nila yung students nila to the extent ng pati grades ko gusto nilang baguhin. Ang sakit diba wala kang nagawa kasi hindi ako nakikialam sa grades na ibinibigay nila samantalang yung akin gusto nila ibahin ko. Natapos nalang ang taong iyon na wala akong nagawa.

Sumunod na taon grade 8 adviser na ako dahil hindi daw ako bagay sa grade 9.

Kung ikukumpara ko ang nauna kung hinahawakan, ang grade 9 sa grade 8. Ang layo nila dahil iba na seguro ang style ko. Pasaway at sumasagot ang grade 8 minsan nga ipina tawag kopa sa office ang buong advisory ko. Halos pumutok ugat sa leeg. I was only 26 back then pero feeling ko pasan ko ang daigdig sa mga oras na iyon. Hindi ko maintindihan bakit ganoon sila. Maybe because masikip para sa kanila ang room 60 students ba naman. Yung nasa likuran nga malapit na talaga sa cr. Lahat na ata ng style ng arangement ng upuan na subukan ko pero magulo talaga sila kung pwede nga lang hatiin sila gaya ngayong pandemic.

Anyways kung may natutunan man ako sa mga nangyari. Ito yun.

1.       Ang mga batang mabait hindi yan laging mabait dependi lang yan sa mood nila kaya never ever let your guard down.

2.       Create a checklist kung sino ba ang may family problem, yun kase madalas ang reason kung bakit masakit sila sa ulo pag dating sa school.

3.       Take time to talk to them one by one. Makikilala mo sila ng dahan dahan.

4.       Wag hayaanng mahuli ka ng punta sa last subject mo sa hapon man yan o sa umaga at wala ka ng dadatnan.

5.       Everytime hindi sila mag comply sa pinapagawa mo activity man yan or quiz, take time sending letter to their parents mag be behave agad yan.

6.       Students at the back more likely to be pasaway. If ever may pinapagawa ka always stand at the back mapapansin mo agad yung ginagawa nila.

7.       Create a checklist of the activity or requirements na pinagawa mo at epost sa wall so that they are always reminded sa mga kulang nilang activity, contribution or even their birth certificate and SF10.

 

 

Thank you for reading.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito